Ang Labindalawang Gawain
Mga tungkulin ng mga estudyante na dapat gawin.
- Mag-aral ng mabuti sa abot nang makakaya.
- Sikaping hindi mahuli sa pasahan, klase.
- Igalang at irespeto ang mga nakapaligid sa ‘yo.
- Sundin ang lahat ng panuntunan ng paaralan upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
- Magkaroon nang tiwala sa ibang tao lalo na sa sarili mo.
- Pahalagahan ang oras dahil hindi natin ito kayang bawasan, dagdagan, ulit-ulitin, pabilisin, pabagalin o baguhin.
- Makisama sa mga taong nakapaligid sa ‘yo upang mas makilala mo ang tunay na pagkatao mo.
- Gamitin sa tama at ibahagi sa kapwa ang sariling kakayahan, talino at talento na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.
- Maging tapat sa sarili, masipag at madiskarte sa buhay.
- Lakasan ang loob na magtanong sa mga bagay o pangyayari na hindi mo naiintindihan o gusto mong matutunan at sabihin ang saloobin upang magkaroon ng pagkakaintindihan ang isa’t isa.
- Maging responsableng mag-aaral.
- Isagawa ang ‘MMM’ sa lahat ng oras. Magmahal, magpatawaran at manampalataya sa Diyos.
Sa aking paniniwala, sa pamamagitan nitong mga tungukulin na dapat gawin ng mga mag-aaral, maaaring isa ito sa makakatulong sa iyong sarili, kapwa estudyante, guro, magulang, kaibigan, kapwa, sa lipunan at maging sa ating bansa. Dito mo matututunan na ang pag-aaral ay dapat isapuso, isaisip at isabuhay sapagkat halos 80% mga Pilipino na lumabas sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong ika-3 ng Nobyembre sa taong 2016, pahayag mula sa DepEd, “Nasa edukasyon ang susi sa komportableng buhay.”
Ito ang isa sa pinakaimportanteng hakbang papunta sa iyong tagumpay sa buhay. Ang Labindalawang gawain na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang lalong mapalawak ang kanilang mga kaalaman kung paano maging isang mahusay na mag-aaral. Nagsisilbi itong gabay upang malinang ang kanilang kaisipan at kakayanan sa kanilang pag-aaral. Nawa’y isa ito sa mga epektibong pamamaraan ng mag-aaral at masanay sa tamang pamamaraan sa pag-aaral.
Nagsisimula ang pagbabago sa ating mga sarili. Gaano man kaliit ang iyong naitulong, dalawang porsyento man ‘yan kahit papaano ay may nagawa o naiambag ka kaysa naman sa ma-zero at ito’y iyong pagsasawalang bahala lamang.