DISKRIMINASYON sa EDUKASYON

Jelay Muring
2 min readApr 27, 2021

Ano nga ba ang diskriminasyon? Para sa iyo, ano ito? Para sa akin, ang diskriminasyon ay isang kilos o gawa ng hindi makatarungang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao batay sa mga pangkat, klase, o iba pang mga kategorya kung saan sila nagmula. Ang mga tao ay maaaring makilala sa batayan ng lahi, kasarian, edad, relihiyon, o orientasyong sekswal, pati na rin ang iba pang mga kategorya. Hindi lang sa iisang bansa nararanasan ito sapagkat buong bansa ay ginagambala nito.

Sa aking bansang sinilangan, ako ay nakaranas ng hindi tamang pagtrato nang dahil lang sa pagiging hindi katangkaran. Nakatanggap ako ng masasamang salita mula sa taong ayaw sa mga maliliit na katulad ko. Pinangunahan nila kung anu-ano ang mga bagay na hindi ko kayang gawin kahit na hindi pa sila sigurado. Minaliit ang mga kakayahan ko na ikinalugmok ko ng buong puso.

Pero ano nga ba ang pagkakaiba ng diskriminasyon sa edukasyon ng aking bansa sa ibang basa?

Sa larangan ng edukasyon dito sa aking bansa, malayang nakakapag-aral ang sinuman. Ang lahat ay may karapatang pang-edukasyon, mapababae man or lalake. Walang diskriminasyon sa kasarian.

Hindi tulad sa ibang bansa, sa Pakistan, may oportunidad na makapag-aral ang lalake at mga babae, isang malaking hadlang ang mga grupong katulad ng Taliban na nais sundin ang batayan ng Q’uran kung saan walang karapatan na mag-aral ang mga babae at lalake.

Parehong may diskriminasyon sa edukasyon ngunit ang isa ay kinukuhaan ng karapatan na makapag-aral batay sa kanilang kasarian. Nakakapag-aral parin ang mga Pilipino ngunit sila ay nakakaranas ng kinaaayawan o hinuhusgahan ng ibang tao dahil sa lahi o sa itsura ng mga ito. Sa ibang bansa, ang iba ay nakararanas ng kaharasan dahil sa hindi pagtanggap o maling pagtrato.

Maaaring iba-iba ang nararanasang diskriminasyon ng mga tao sa iba’t ibang parte ng mundo dahil sa lugar o kasanayan na pinanggalingan nito. Iba’t ibang tao, iba rin ang mga kaugalian nito, iba ang kinagisnan at iba’t ibang lahi.

Lumalaganap man ang diskriminasyon sa ating mundo, patuloy parin tayo sa pagiging positibo. Matutong mahalin ang sarili at huwag makinig sa mga taong nanghuhusga, nang-aapi o nanghahatak pababa sa iyo. 

--

--

Jelay Muring
Jelay Muring

No responses yet